^

Bansa

Razon nagbitiw bilang Peace adviser

-

MANILA, Philippines - Tuluyan ng nagbitiw sa kanyang puwesto bilang  Presidential Peace Adviser si Secretary Avelino Razon upang paghandaan ang kanyang planong pagtakbo bilang alkalde ng Maynila sa nalalapit na 2010 elections.

Ayon kay Sec. Razon, tinanggap ni Pangulong Arroyo ang kanyang pagbi­bitiw bilang pinuno ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Magkakaroon ngayong umaga ng simpleng turn-over ceremony na gagawin sa OPAPP office sa Orti­ gas, Pasig. Si Usec. Nabil Tan ang magsisilbing OIC.

Bago ang pagtatalaga sa kanya bilang presidential peace adviser, si Razon ay naging hepe ng Philippine National Police at Western Police District, na ngayon ay Manila Police District.

Sa loob ng siyam na buwan, si Razon ay naging presidential peace adviser, kung saan ginampanan nito ang ilang mga usapin ng gobyerno laban sa mga rebelde; ang pagbabalik  ng GRP-MILF talks kung saan idinedeklara ang suspension of offensive military operations at ang pagbu­buo ng International Contact Group (ICG).

Ayon kay Razon, ang kanyang pagtakbo ay upang mas matutukan ang pangangailangan ng mga Manilenyo at ang pagpa­paunlad ng mga buhay nito. (Doris Franche/Rudy Andal)

AYON

DORIS FRANCHE

INTERNATIONAL CONTACT GROUP

MANILA POLICE DISTRICT

NABIL TAN

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER

PANGULONG ARROYO

PEACE PROCESS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with