^

Bansa

5 dam tuloy ang pakawala ng tubig

-

MANILA, Philippines - Kahit wala ng mala­wa­kang pagbaha sa Northern Luzon, tuloy pa rin ang pagpapakawala ng tubig sa limang dam sa bansa.

Ayon kay Alex Palada, division manager ng Napo­cor Flood Forecasting and Warning System for Dam Operation, ang Ambuklao at Binga Dams sa Benguet at San Roque Dam sa Panga­sinan ay patuloy na nagpa­pakawala ng tubig dahil tumaas na sa critical level ang tubig dito.

Mula kahapon ng alas-10 ng umaga, may 1,207 at 1,743 cubic meters per second na ng tubig ang inilabas ng anim na gates ng Am­buklao at Binga dams.

Ang San Roque Dam dam naman na nasa 280 me­ters na ang tubig o mas mataas sa 9.05 meters na normal o spilling elevation ng tubig dito ay nagpapa­kawala ng 2,438 cms na tubig kada segundo.

Kabilang sa mga apek­tado ng flashflood ay ang Aguilar, Basista, Urbiz­tondo, Bayambang, Cala­siao, Ma­pandana, Sta. Barbara, Dagupan City, Ma­naoag, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Alcala, Bau­tista, Binalonan, Laoac, Po­zorrubio, Sison, Urda­neta City, Villasis, Asingan, Bu­langao, Natividad, Ro­sales, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Sta. Maria, Tayug at Umingan habang ang malubhang apektado naman ay ang Natividad, Ta­yug, Asingan at Mangal­dan kung saan ay baha ang lahat halos ng barangay nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Antonio Nangel ng National Irrigation Authority (NIA) Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems, na hindi isasara ang spillways ng Pantaba­ngan Dam sa Nueva Ecija hang­gat hindi nila nakuha ang “comfortable” level na 218 meters reservoir water level (RWL).

Inaasahan namang ma­apektuhan sa lalawigan ng Nueva Ecija ang Ri­zal, Bongabon, Gen. Na­tivi­dad, Palayan City, Caba­na­tuan City, at Sta. Rosa.

Dalawang gate naman ng Magat dam sa Isabela ang patuloy na nagpapa­ka­wala ng tubig kada se­gundo.

Apektado rito ang mga bayan ng Ramon, San Ma­ teo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu.

Ang mga dam na nasa pangangasiwa ng Napocor ay ang Angat, San Roque, Caliraya, Binga at Ambuk­lao para makakuha ng kuryente at ang mga dam na nasa pangangasiwa ng NIA ay ang Magat at Pan­tabangan para naman magkaroon ng patubig ang mga irigasyon. (Angie dela Cruz/Rudy Andal)

ALEX PALADA

ANG SAN ROQUE DAM

ANTONIO NANGEL

ASINGAN

BINGA

DAM

NUEVA ECIJA

SAN

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with