Sec. Neri nagpasaklolo sa CA

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo sa Court of Appeals si Social Security System (SSS) Chairman Ro­ mulo Neri para mapi­gi­lan ang ipinataw na sus­pensiyon sa kanya ng Om­budsman.

Sa Petition for Certiorari, nais din ni Neri na mag­palabas ang Appellate Court ng temporary restraining order (TRO) para agad na maharang ang 6 na buwang sus­pen­siyon sa kanya.

May grave abuse of discretion umano sa pa­nig ng Ombudsman nang siya ay patawan ng na­ sabing suspensiyon ka­ugnay sa kontrober- siyal na ZTE-NBN deal dahil sa naging parti­sipasyon nito sa kaso.

Nabatid na una nang sinampahan ng Ombudsman si dating Co­melec chairman Benjamin Aba­los ng kasong graft sa San­diganbayan matapos umano itong magpadrino sa pro­yekto. (Ludy Ber­ mudo/Gemma Garcia)

Show comments