Dacer-Corbito dedesisyunan na
MANILA, Philippines - Maglalabas na ng desisyon ang Department of Justice sa Dacer-Cor bito double murder case kahit walang isinusumiteng depensa si Senador Panfilo Lacson.
Ayon kay Senior State Prosecutor Peter Ong, hindi na nila maari pang pag bigyan ang kahilingan ng abugado ni Lacson na palawigin pa ang panahon para sa pagsusumite ng counter-affidavit sa isinasagawang preliminary investigation sa kaso dahil mahigit sa 60-araw nang nagtagal ang imbestigasyon.
“We stood pat on our earlier ruling that with or without the counter affidavit of Senator Lacson, we will submitted this case for decision,” ani Ong sa pagdinig kahapon.
Nilinaw din ni Ong na lahat ng affidavit at ebidensiya ng complainant, testimonya ng limang testigong sina dating police Supts. Cesar Mancao II, Glenn Dumlao; Alex Diloy, Jimmy Lopez at isang nagngangalang “Cabu quin” ay nabigyan ng kopya ang counsels ni Lacson kaya walang dahilan para hindi matapos sa ibinigay nilang palu- git at binalaan sa huling PI noong Set. 2009 na isasara na ang imbestigasyon kung ma bibigong magsumite ng kontra- sa laysay.
Nilinaw ni Ong na sa ilalim ng Rule 112 ng Rules on Criminal Procedure ay may karapatan ang panel na tapusin ang isang preliminary investigation kahit na walang isinumiteng counter affidavit ang res pondent.
Dahil dito kaya nag-desisyon ito na submit- ted for resolution na ang kaso at anumang oras ay maari nang magpalabas ang DOJ-panel ng desisyon.
- Latest
- Trending