Pepeng babalik

MANILA, Philippines - Kinatatakutan ngayon ang posibleng pagbalik ng bagyong Pepeng dahil sa hindi nito paglayo sa bansa.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pag­asa) spokesperson Na­thaniel Cruz, huling nama­taan ang bagyong Pepeng sa la­yong 80 kilometro ng hilaga-hilagang-kanluran ng Laog City at taglay pa rin nito ang lakas na 120 kph at pag­bugsong umaa­bot ng 150 kph.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang posibleng pagbalik ni Pepeng ay bunsod ng “interaction” nito sa papara­ting pang bagyo na may international name na “Melor” na ngayon ay wala pa na­man sa area of responsibility ng bansa kaya wala pa itong pangalang lokal. Magiging mabagal si Pe­peng sa susunod na 48-oras kaya naman magda­dala pa rin ito ng ulan at ma­lakas na hangin, lalo na sa Ilocos at mga lugar sa Northern Luzon.

“Maari pong bumalik ito (Pepeng), papunta uli ng Northern Luzon. Isa po ito sa ating tinitingnan, unang-una po, dahilan sa kani­yang interaction dito sa du­marating na bagyo na si “Melor,” ayon kay Cruz.

Ngunit, si Melor aniya ay malaking banta sa ban­sa dahil posibleng bukas ay pumasok na ito sa Pili­pinas kundi pa rin maba­bago ang tinatahak nitong direksiyon.

Nakataas pa rin ang storm signal no. 3 sa mga lalawigan ng Batanes, Northern Cagayan, kasa­ma ang babuyan at pala­yan island, Ilocos Norte at Apayao.

Habang signal no. 2 na­man ang Ilocos Sur, Abra, Kalinga at ilang bahagi ng Cagayan. At signal no. 1 sa La Union, Ben­quet, mountain province, ifugao, Isa­bela, Pangasi­nan, at Nue­va Viscaya. Binalaan din ng Pag-Asa ang mga resi­denteng na­ka­tira sa mga coastal area at paanan ng bundok na muling magsili­kas dahil sa posibleng flashfloods at landslides.

Samantala sinabi na­man ni Philippine National Police - Disaster Management Task Force comman­der C/Supt. Nick Bartolo­me na 290 katao ang na­sawi sa bagyong Ondoy habang dalawa din ang patay sa bagyong Pepeng at may kalahating milyong pamilya ang ini­likas para di mabiktima ni Ondoy at 327 pamilya naman sa bag­­yong Pe­peng ang na­iligtas.

Umaabot naman sa P5.39B ang halaga ng  mga inprastraktura at agri­kul­tura, ayon naman kay NDCC Chairman at Defense Sec. Gilbert Teo­doro sa pagbisita nito sa mga apek­tadong pamilya sa Caga­yan kung saan umaabot na sa 6,036 ka­tao mula sa 1,242 na pa­ milya ang inili­kas na apek­tado ng pag­baha sa bu- ong lalawi­gan.

Tiniyak naman ni Teo­doro na may sapat na supply ng relief goods ang NDCC para sa mga bik­tima ng bagyo, habang inuumpisahan na ang clea­ring operations sa mga lugar na hindi masyadong matindi ang epekto ng bagyo.

Show comments