^

Bansa

'Pagtulong muna bago pulitika'

-

MANILA, Philippines - Dapat pagtuunan muna ang pagtulong sa mga biktima ng delubyo bago ang ambisyon sa politika, apela ni Quezon City Majority leader Councilor Atty. Ariel Inton sa mga politiko sa bansa.

Ginawa ni Inton ang pa­ hayag makaraan ang luma­bas na isyu na nagba­balak umanong tumakbo ang popular na television host na si Willie Revillame sa pina­kamataas na po­sisyon sa Quezon City at naka­ladkad ang kanyang panga­lan na sumusuporta umano dito.

Sinabi ni Inton na wala naman siyang nakikitang problema kung nais tala­gang tumakbo ni Revil­lame sa lungsod. Magka­karoon umano ng mas maraming pagpipilian ang mga ma­ mamayan ng lung­sod ngu­nit sa panahon ngayon ay dapat kalimutan muna ang pulitika at tumutok muna sa pagtu­long sa mga biktima upang makabangon ang mga ito sa trahedyang tumama sa kanila.

Naniniwala rin naman si Inton na hindi populari­dad ang magiging siyang basehan lamang sa pagpili ng mga residente ng Que­zon City. Mas malaking bentahe umano ang pagi­ging tapat sa panunung­kulan. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARIEL INTON

COUNCILOR ATTY

DAPAT

GINAWA

INTON

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAJORITY

RICKY TULIPAT

SHY

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with