US troops pinull-out sa Sulu

MANILA, Philippines - Ipinull-out ng US government ang tropang mi­litar nito sa mga kritikal na lugar sa Sulu matapos na mapatay ang dalawang miyembro nito at pasa­bugin kahapon ng Abu Sayyaf Group ang isang tulay kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Armed For­ces of the PHilippines-Eastern Mindanao Chief Major Gen. Ben Moham­mad Dolorfino, inalis ng US ang kanilang tropa, ngunit nangako naman na itutuloy ang proyekto ng mga ito sa bansa.

Aniya, naganap ang pag­papasabog sa tulay dakong alas-10 kamaka­lawa ng gabi matapos na itanim ito sa Brgy Dayuan, Indanan, Sulu. Sa kabila ng walang nasugatan ay naalarma pa rin ang mga residente sa magkaka­sunod na pambobomba ng mga rebelde.

Una ng napatay noong Martes ng umaga ang dalawang sundalong Kano na sina Staff Sgt. Jack Daniels at Sgt. First Class Christopher Shaw, kapwa miyembro ng US Navy Seabees Engineers na nagsasagawa ng humanitarian mission gayundin si Marine Pfc. Estrada ha­bang dalawa pa sa tropang gobyerno ang nasugatan dahil sa ‘roadside bombing‘ sa Brgy. Kagay, Inda­nan. (Joy Cantos)

Show comments