Pagtutuwid

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Home Development Mutual Fund na ibabawas sa calamity loan ng mga miyembro ng Pag-IBIG ang balanse ng kanilang naunang nakuhang multi-purpose loan.

Ginawa ng HDMF ang paglilinaw kaugnay ng pahayag nito kamakalawa na puwedeng mag-apply ng calamity loan sa Pag-IBIG ang mga miyembro nito na sinalanta ng bagyong Ondoy.

Sa dagdag na impormasyon sa Pag-IBIG Calamity Loan Program, ang mga miyembrong nasa Metro Manila ay maaaring tumawag sa HDMF call center sa 724-4244 sa pinakamalapit na sangay nito.

Show comments