^

Bansa

2 pang bagyo nakaamba

- Nina Angie Dela Cruz at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Dalawa pang bagyo ang nagbabantang puma­sok sa Pilipinas bagaman hindi pa gaanong naka­kabangon ang bansa sa delubyong inabot nito sa bagyong Ondoy.

Sinabi ni forecaster Connie Dadivas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na dalawang tropical depression ang namimin­tong lumapit sa hangga­nan ng Pilipinas bukas o sa Huwebes.

Gayunman, sinabi ng isa pang forecaster ng Pagasa na si Joel Jesusa ang nagsabi sa isang hiwalay na panayam sa radyo na sobrang malayo pa sa ngayon ang dala­wang Low Pressure Area para maapektuhan nito ang alin mang bahagi ng bansa.

Hanggang kamaka­lawa ng gabi, ayon sa PAGASA, patuloy na ku­mikilos si Ondoy palayo sa bansa at nasa layo nang 560 kilometro mula sa kanluran ng Iba, Zam­bales.

Sinabi pa ng Pagasa na patuloy na magbu­bunsod si Ondoy ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon.

Samantala, iniutos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gamitin ang Mala­cañang bilang national relief operations center upang matulungan ang mga biktima ng baha.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde na nais ni Pangulong Arroyo na gamitin na ang Pa­lasyo bilang national relief operation center kung saan ay puwedeng pag-imbakan ng mga pagkain na puwedeng itulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

Ayon pa kay Remon­de, maging ang Unang pa­milya ay posibleng umalis muna sa Palasyo upang magamit ang buong Mala­cañang bilang national relief operations center.

CENTRAL LUZON

CONNIE DADIVAS

JOEL JESUSA

LOW PRESSURE AREA

ONDOY

PAGASA

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with