Karera ng pagong 'front' ng jueteng?

MANILA, Philippines - Ginagamit umano ng ilang tiwaling negosyante ang palarong Virtual 2 o karera ng pagong bilang front ng jueteng sa Luzon at Visayas.

Nagmistulang legal ang Virtual 2 dahil sa isang injunction order sa isang regional trial court sa Aparri na duminig sa isang kasong may kaugnayan sa naturang palaro.

Ang dating malapit na kaibigan ni dating Pangu­long Joseph Estrada na si Charlie “Atong” Ang ang nagmamaniobra umano sa nasabing palaro, ayon sa impormante. 

Kinuwestyon ng ilang kritiko kung bakit pinahi­hintulutan sa bansa ang Virtual 2 kahit hindi nag­babayad ng kaukulang buwis at ginagamit lamang daw na prente ng jueteng.

Batay sa impormas­yon, lantaran umano ang VIRTUAL2 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Nueva Vizcaya, Baguio, Iloilo, Rizal, Apari, Isabela at Bataan baga­man ang injunction order ay nagmumula lamang sa Apari.

Show comments