^

Bansa

Re­habilitasyon ng Pasig River umarangkada

-

MANILA, Philippines - Makakaasa na ang mga residente sa Metro Manila ng maagang re­habilitasyon ng Pasig River dahil sa 24-oras itong nililinis.

Ang pahayag ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza ay kasunod ng report ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka­hukay noong Miyerkules ng 65-taong-gulang na tangkeng pandigma sa bukana ng Manila Bay sa South Harbor.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesman Armand Balilo, isang tau­han ng Kwan Sing Construction Corp. ang aksi­den­teng na­ katuklas sa Sherman M4-A1 tank habang nagsasa­gawa ng dredging operations dito kung saan may karga pa itong mga bala ng Garand rifles na maaari pang makapaminsala.

Ang nasabing tangke ay inilagak naman sa Dis­trict’s Special Operations Group ng PCG sa Parola, Tondo, Manila. 

Nauna rito, nakatuklas din ang mga naghuhukay at sea marshals ng lu­mang cannon shells na kanilang ipinagkatiwala sa District’s Special Operations Group ng PCG sa Parola, Tondo. 

“This only means that dredging the Pasig River to regain its pristine condition is being done without letup. With the help of Bagger­werken Decloedt N.V. Philippines, we assure everyone that we could revive the waterway as early as possible,” sabi pa ni Sec. Atienza. 

Sa makabagong tek­nolohiya at kasanayan, sinabi ng kalihim na wala silang duda sa husay ng kontraktor para hindi nila makamit ang layunin para sa Pasig River. 

Nilinaw naman ni PRRC Executive Director Architect Deogracias Tablan, Jr., na walang kinalaman sa Pasig River Dredging Project ang Kapit Bisig para sa Ilog Pasig dahil prayoridad ito ng DENR bilang pag­tutuwid sa naging balita ng isang TV station. (Ludy Bermudo)

ARMAND BALILO

DECLOEDT N

DREDGING PROJECT

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SECRETARY LITO ATIENZA

EXECUTIVE DIRECTOR ARCHITECT DEOGRACIAS TABLAN

ILOG PASIG

PASIG RIVER

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

SPECIAL OPERATIONS GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with