P79-million jackpot sa Superlotto tinamaan na!

MANILA, Philippines - Naibuslo ng iisang tao lamang ang P79.392-million Superlotto 6/49 jackpot sa bola ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa PCSO, ang nanalong combination para rito ay 03-27-28-08-05-01.

Gayunman, tikom ang bibig ng PCSO na panga­lanan ang lone winner para sa seguridad nito.

Noong Agosto 30, isa rin ang nanalo sa P150.952-million pot ng Superlotto draw ng PCSO.

Ang pinakamalaking lotto jackpot na napa­nalunan ay noong Peb­rero 22, 2009 kung saan dalawang katao naman ang naghati sa P347-million prize. (Angie dela Cruz)

Show comments