Singil sa tubig tataas sa Okt.
MANILA, Philippines - Mula Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon, lahat ng customers ng Maynilad Water Services Inc. (MWSI) ay makakatikim ng dagdag bayad sa tubig.
Ang mga customers ng Maynilad na gumagamit ng average na 10 cubic meters ng tubig sa kanilang monthly bill ay magbabayad ng dagdag na P0.93 sa kada cubic meter ng tubig.
Ang pagtaas ng singil sa tubig ay bunsod naman ng palitan ng piso laban sa dolyar.
Sa ilalim ng foreign currency differential adjustment, pinapayagan ang dalawang water concessionaires, ang Manila Water at Maynilad Water, na magtaas ng singil ng tubig depende sa palitan ng piso kontra dolyar. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending