^

Bansa

'Ping siyasatin sa Bentain'

- Nina Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo ang mga kapatid ni Edgar Bentain sa Department of Justice upang hilingin na atasan nito ang National Bureau of Investigation na imbistigahan si Senador Panfilo Lacson kaugnay ng naging privilege speech nito kamakailan na tuma­lakay sa pagkawala ng una.

Sinabi ng magkapatid na Edcel at Eddie Bentain sa kanilang liham kay Acting Justice Sec. Agnes Devanadera na, matapos ang 10 taon, ngayon la­ mang sila nakarinig ng mahalagang impormasyon na may kaugnayan sa pagkawala ni Edgar.

Si Bentain na dating empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang sinasa­bing kumuha ng video habang nagsusugal sa casino sina dating Pangulong Joseph Estrada at kaibigan nitong si Charlie “Atong” Ang. Napaulat na kinidnap si Bentain pagkatapos nito at hindi na siya nakita. 

Sinabi ng mga kapatid ni Bentain na lubha silang nalungkot dahil bitin ang pagkakalahad ni Lacson sa ginawa nitong talumpati sa Senado na tumalakay din sa nangyari sa biktima.

Sinabi ni Edcel na, kung totoo ang sinasabi ni Lacson na sa Laguna pi­na­tay si Edgar, kaila­ngang matukoy ang ek­sak­tong pinagli­bingan sa bangkay ng kan­yang ka­patid para maipa­hukay at maipasuri ito.

Sa gayong paraan, maaari silang makapag­hain ng kaso sa kung sino mang posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

Bumuo na rin ng isang Task Force ang NBI na hahawak sa kaso ng pagkawala ni Bentain.

Ang Task Force Ben­tain ay pangungunahan ni NBI Deputy Director for Investigative Services Rick­son Chiong.

Sinabi naman ni Atty. Ruel Lasala, Deputy Director for Intelligence Services ng NBI, na nagsagawa na sila ng imbestigasyon noon kaugnay sa pagkawala ni Bentain ngunit inihinto rin nila.

Sa apat na taon kasi aniya ng kanilang pagha­hanap kay Bentain sa buong bansa ay hindi nila ito nakita at dahil na rin sa kawalan ng impormasyon o testigo kung kaya na­ilagay na lang ito sa lista­han ng missing person. 

vuukle comment

ACTING JUSTICE SEC

AGNES DEVANADERA

ANG TASK FORCE BEN

BENTAIN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPUTY DIRECTOR

EDCEL

EDDIE BENTAIN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with