Bati sa Pasko ng kandidato bawal

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng Commisssion on Elections ang mga kakan­di­dato sa pambansa at lokal na halalan sa susunod na taon na mahigpit ding ipinagbabawal sa kanila ang pagpapa­labas ng mga Christmas greetings.

Ayon kay Comelec Spokesman James Arthur Jimenez, hindi dapat na magpalabas ng anumang mga Christmas greetings ang mga kakandidato bagama’t nalalapit na ang kapaskuhan.

Hindi anya dapat na samantalahin ng mga kandidato ang panahon upang makapangampanya dahil meron nang mas tamang panahon namang ibibigay sa lahat ng kandidato. (Doris Franche)

Show comments