^

Bansa

PASG nagsampa ng libel vs abogado

-

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong libelo si Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Undersecretary Antonio Villar Jr. laban kay Atty. Bonifacio Alentajan dahil sa pag-aakusa nitong humi­ hingi ng malaking halaga ang PASG para pakawalan ang inarestong British national na si Alpha Kwok na nahulihan ng P250 milyong halaga ng diamond at iba pang alahas.

Bukod kay Undersecre­tary Villar, naghain din ng libel case laban kay Atty. Alen­tajan ang iba pang opis­yal ng PASG na sina Jeffrey Patawaran, Intelligence director Jaih Francis at Inspector Joseph Jaucian.

Sinabi ni Villar, kaya sila nagsampa ng libel case kay Alentajan ay dahil umano sa malisyosong paratang nito sa PASG na humihingi raw ng malaking pera ang PASG kapalit ng pagpapa­laya kay Kwok.

“It is illogical for PASG to demand money in exchange of Kwok’s release when it is the Bureau of Immigration that is detaining her for violation of Immigration laws,” wika pa ng PASG officials.

Ipinaliwanag pa ni Villar, walang katotohanan din ang akusasyon ng abugado na walang nakasampang kaso kay Kwok bago ito ikinulong sa Bureau of Immigration detention center dahil kina­suhan na ito ng paglabag sa tariff and customs code sa Department of Justice.

Inaresto si Kwok ng PASG at Bureau of Immigration dahil sa paglabag din nito sa Philippine Immigration laws. (Rudy Andal)

ALPHA KWOK

BONIFACIO ALENTAJAN

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

INSPECTOR JOSEPH JAUCIAN

JAIH FRANCIS

JEFFREY PATAWARAN

KWOK

PASG

PHILIPPINE IMMIGRATION

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with