^

Bansa

'Riot' sa poll automation

-

MANILA, Philippines - Maaring “Riot” ang ka­ labasan ng eleksiyon sa 2010 kung hindi agad matutugunan ang mga posibleng maging prob­lema sa oras na ipina­tupad ang full automation election.

Ayon kay IT Businessman Joey de Venecia III, dapat ay resolbahin muna ng Commission on Elections ang mga magiging suliranin dito, partikular na ang tagal ng proseso ng pagboto ng isang botante.

Bunsod nito’y hiniling ni de Venecia sa Comelec na pag-aralan mabuti ang mga nakaambang prob­lema sa fully-automated polls gaya ng pagkonti ng bilang ng mga presinto dahil sa mga nakaraang eleksiyon ay 200,000 voting precincts ang gina­gamit, ngayon ay 80,000 na lang kaya magiging triple ang haba ng pila sa isang presinto, bago tuluyang makaboto ang isang botante.

Kasama din sa prob­lema ang paninibago ng mga botante sa proseso ng eleksiyon at ang pag­kuha ng libo-libong machine technician ng Co­melec, kaya ang mga ito ay posibleng dahilan para maging riot o magulo ang eleksiyon sa 2010. (Butch Quejada)

AYON

BUNSOD

BUSINESSMAN JOEY

BUTCH QUEJADA

COMELEC

ELEKSIYON

KASAMA

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with