3 OFWs patay sa Middle East
MANILA, Philippines - Tatlong overseas Filipino workers ang magkakasunod na nasawi sa Middle East at isinisigaw ng kanilang pamilya na posibleng nagkaroon ng “foul play” sa kanilang pagkasawi.
Kinilala ang mga OFW na sina Daniel Enera, Mensuita Basibas at Dominador Quieta.
Ayon kay Leonard Monterona, Migrante-Middle East regional coordinator, iniulat ang pagkasawi ni Enera noong Setyembre 14, 2009 sa Obaidah Hospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Dumaranas umano ng kidney at liver problem ang nasabing OFW na sinasabing naging sanhi ng kanyang pagkasawi.
Sa kaso ni Basibas, noong Agosto 10 at may tumawag lamang sa kaanak nito na hindi nagpakilala hinggil sa pagkasawi ni Basibas. Nakumpirma ng Migrante na na-repatriate na sa Pilipinas ang mga labi ni Basibas noong Setyembre 10.
Kaduda-duda rin umano ang pagkasawi ni Domina dor Quieta, 48, noong Hulyo 20, 2009. Namatay si Quieta sa habang kinukumpuni ang isang makina nang biglang may nagbukas umano ng switch, dahilan upang tumakbo ang makina at kainin siya.
Ang mga labi nina Enera at Quieta ay nasa Saudi Arabia pa rin habang pinoproseso ang pagpapauwi sa Pilipinas. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending