Travel agencies 'inupakan' si Jamby
MANILA, Philippines - Dismayado umano ang samahan ng mga travel agencies sa inasal ni Sen. Maria Consuelo “Jamby” Madrigal sa pagkuha ng e-passport kamakailan sa Department of Foreign Affairs.
Pinuna ni Consul Robert Lim Joseph, Chairman ng National Association of Independent Travel Agencies o NAITAS, na hindi dapat abusado ang mga pulitiko tulad ni Madrigal na ginagamit ang kanilang pwesto upang mapabilis ang proseso ng mga papeles tulad ng passport.
Matatandaan na hinawi ng grupo ni Madrigal ang pila ng mga kawawang aplikante sa DFA na kukuha ng e-passport noong Agosto 26, 2009.
Sa naturang insidente, may isang oras umanong tumigil ang proseso ng pagla bas ng e-passport ng mga nakapila ng si Madrigal ay dumating kasama ang napakaraming security at staff.
Ang buong normal na proseso ay hindi na umano dinaanan ng senadora tulad ng pagpila sa window 28 ng DFA, pagbabayad sa cashier at dumiretso na ito sa data capturing at nagpali trato.
Sa naturang ginawa ni Madrigal ay marami umano ang nainis maging ang mga kawani ng DFA na nakasaksi sa insidente dahil sa naging kaawa-awang kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan dahil lang sa pagbibigay ng prayoridad kay Madrigal. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending