P4.5B dibidendo habol ng coco farmers sa SMC

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang mga magtatanim ng niyog sa buong bansa na ipatupad sa kanila ang preferred shares sa San Mi­guel Corporation sa ha­lip na manatiling sequestered common shares ang sosyo nila sa kom­panya.

Ito anila ay magbubu­nga ng P4.5 bilyong ta­unang dibidendo pra sa mga kasapi ng industriya ng niyog.

Sinabi ito ni Ka Efren Villaseñor, pangulo ng Pam­bansang Koalisyon ng Sa­ mahang Magsasaka at Manggagawa sa Niogan (PKSMMN) na kumakata­wan sa mahigit isang mil­yong magniniyog sa buong bansa.

Ayon pa kay Villasenor, hindi tama na gawan ng malisya ng ilang grupo ang pagpapalit ng shares ng labingapat na kumpanya sa ilalim ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) na na-sequester noong pang 1986 at naging da­hilan para makaupo ang mga government appointees sa SMC.

“Matagal na ang isyu na ito at gusto naman naming mga magniniyog na maka­kuha ng mas ma­gandang benepisyo ang aming ha­nay simula nga­yon,”wika ni Villasenor .”Kaya naman lubos naming sinusuporta­han at itinataguyod ang pagpa­palit na ito.”

Idinagdag pa ni Villa­senor na hindi totoo ang si­nasabi ng dating Senador na si Jovito Salonga na ma­­babawasan ang halaga ng common shares kung ipag­papalit sa preferred shares.

Ang pagpapalit sa preferred shares ay inalok ng SMC sa lahat ng stockholders para bigyan sila ng pagkakataon na tumangap ng mas malaki at sigura­dong kita kumpara sa cash dividends na nakukuha sa common shares sa gitna ng pagpasok ng San Miguel sa mga bagong negosyo mali­ban sa food and beverage. (Butch Quejada)

Show comments