P4.5B dibidendo habol ng coco farmers sa SMC
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang mga magtatanim ng niyog sa buong bansa na ipatupad sa kanila ang preferred shares sa San Miguel Corporation sa halip na manatiling sequestered common shares ang sosyo nila sa kompanya.
Ito anila ay magbubunga ng P4.5 bilyong taunang dibidendo pra sa mga kasapi ng industriya ng niyog.
Sinabi ito ni Ka Efren Villaseñor, pangulo ng Pambansang Koalisyon ng Sa mahang Magsasaka at Manggagawa sa Niogan (PKSMMN) na kumakatawan sa mahigit isang milyong magniniyog sa buong bansa.
Ayon pa kay Villasenor, hindi tama na gawan ng malisya ng ilang grupo ang pagpapalit ng shares ng labingapat na kumpanya sa ilalim ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) na na-sequester noong pang 1986 at naging dahilan para makaupo ang mga government appointees sa SMC.
“Matagal na ang isyu na ito at gusto naman naming mga magniniyog na makakuha ng mas magandang benepisyo ang aming hanay simula ngayon,”wika ni Villasenor .”Kaya naman lubos naming sinusuportahan at itinataguyod ang pagpapalit na ito.”
Idinagdag pa ni Villasenor na hindi totoo ang sinasabi ng dating Senador na si Jovito Salonga na mababawasan ang halaga ng common shares kung ipagpapalit sa preferred shares.
Ang pagpapalit sa preferred shares ay inalok ng SMC sa lahat ng stockholders para bigyan sila ng pagkakataon na tumangap ng mas malaki at siguradong kita kumpara sa cash dividends na nakukuha sa common shares sa gitna ng pagpasok ng San Miguel sa mga bagong negosyo maliban sa food and beverage. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending