MANILA, Philippines - Tataas ang halaga ng singil ng kuryente sa dara ting na buwan ng Oktubre makaraang payagan ng National Power Corporation (Napocor) na kumolekta ang mga electric company ng mas mataas na halaga sa mga consumers nito para sa programang madaluyan ng kuryente ang mga nasa malalayo at liblib na lugar sa bansa.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), magbabayad ang mga consumers sa susunod na buwan ng karagdagang 9.78 sentimo kada kilowatt hour (kWh) para sa tinatawag na universal charge sa ilalim ng missionary electrification ng Napocor Small Power Utilities Group (SPUG).
Ang paglabas ng bagong pagtaas ng kuryente mula sa Napocor-SPUG na inayunan ng regulatory para sa koleksiyon ng karagdagang P28.48 bilyon pondo sa operasyon ngayong taon. (Angie dela Cruz)