2,582 kolorum na motor bancas tinarget ng PCG

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Philippine Coast Guard (PCG) na iparehistro ang tina­tayang may 2,582 mga kolorum na motor bancas na nag-ooperate sa bansa.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, layunin ng kan­yang direktiba na ipare­histro ang mga kolorum na motor bancas dahil pinag­mumulan umano ito ng panganib at resulta ng kamatayan ng mga pasa­hero at crew nito.

Paliwanag ni Tamayo na ang mga hindi rehis­tradong motor bancas ay hindi umano sumusunod sa itinatakdang safety regulations na nagiging dahilan ng mga paglubog nito.

Sa report ni Commander Allan dela Vega, PCG staff for Maritime Safety Coast Guard Inspection, sa pinakahuling datos ng PCG ay may 2,582 banca ang hindi rehistrado.

Nakasaad sa EO No. 305 na dapat umanong rehistrado ang anumang motor bancas. (Mer Layson)

Show comments