Militante dudulog sa CHR

MANILA, Philippines - Planong idulog sa Commission on Human Rights (CHR) ng ilang militanteng grupo ang ginawang pag­ labag sa kanilang karapa­tan ng blocking forces ng Manila Police District (MPD), Presidential Security Group at dawit din si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director General Roberto Rosales.

“Isa yan sa mga posi­bilidad na aming pinag-aaralan because we feel our constitutional right, our right to assembly had been violated,” ani Biayaya Qui­zon ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), isa sa mili­tanteng grupo na nagsa­gawa ng lightning rally sa harap ng Malakanyang at nakalusot sa Gate-7 na naging dahilan upang ma­aresto ang ilan sa kanila ng awtoridad.

Kinondena nila ang bayolenteng pamamaraan ng pagtaboy sa kanilang hanay nang masaktan at masu­gatan ng mga pulis at PSG.

Kabilang sa may 200 nagsagawa ng rally kamakailan ang grupong Anakbayan, League of Filipino Students, SCMP at College Editors Guild of the Philippines. 

Kabilang sa ikinulong ang mga estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines, UP-Diliman at isang high school student. 

Umabot lamang sa 10 minuto ang marahas na dipersal sa mga naturang demonstrador kaugnay sa illegal assembly umano kung saan ilan sa kanila ay idiniretso sa Ospital ng Maynila dahil sa mild serious physical injuries, bago dinala sa MPD headquarters.

Ilang oras lamang ay pinakawalan din ang mga nadakip na militanteng kabataan. (Ludy Bermudo)

Show comments