^

Bansa

80 OFWs na inabuso nakauwi na

-

MANILA, Philippines - Malaki ang pasasa­lamat ng 80 OFWs kay Nacionalista Party President Senador Manny Villar matapos na patuluyin ang mga ito sa bahay ng huli ng bumalik sa bansa mula sa Gitnang Silangan.

Ang nasabing mga OFW mula sa iba’t ibang lugar sa Middle East ay dumating kahapon lulan ng Gulf Air flight GF 154 na ku­ muha sa kanila mula Bah­rain kung saan sila ay tini­pon. 50 OFW at dala­wang bata ang mula sa Amman, Jordan, 10 mula sa Damascus, Syria; 16 mula sa Dam­mam at isa mula sa Ri­yadh, Saudi Arabia, at tatlo mula sa Muscat, Oman.

Nagkaroon ng katupa­ ran ang kanilang kahili­ngan na makaalis sa ma­samang kapalaran na ka­nilang sinapit at muling makapiling ang kanilang mga pamilya matapos na tulungan sila ni Villar na maayos ang ka­nilang mga kaso, ang iba’y mapalaya sa mga kulu­ngan, bina­yaran ang kani­lang mga multa at pasahe sa eroplano.

Binigyan din ng salo-salo ni Villar sa Laurel Mansion sa Shaw Blvd., Man­daluyong City ang mga nasabing OFWs kung saan may inihandang maikling programa para sa kanila.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Ambassador Julius Torres ng Jordan, Overseas Workers Welfare Administrator Car­melita Dimzon at NP Spokespersons Gilbert Remulla at Adel Tamano. (Butch Quejada) 

vuukle comment

ADEL TAMANO

AMBASSADOR JULIUS TORRES

BUTCH QUEJADA

GITNANG SILANGAN

GULF AIR

LAUREL MANSION

MIDDLE EAST

MULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with