Mancao at Dumlao maghaharap
MANILA, Philippines - Nakatakdang magkaharap sa Manila Regional Trial Court sina dating Police Superintendents Cezar Mancao at Glenn Dumlao sa pagtutuloy ng pagdinig ng kasong Dacer-Corbito double murder case.
Tiniyak ni Head Agent Allan Contado ng National Bureau of Investigation na dadalo ang dalawa sa pagdinig sa sala ni Judge Myra Garcia-Fernandez.
Inatasan din ng Department of Justice ang NBI na bigyan ang dalawa ng seguridad.
Sinabi ni Contado na hindi naman maiiwasan ng NBI ang dalawang dating kasapi ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na mag-usap.
Si Mancao ay kasalukuyang nasa witness protection program ng pamahalaan makaraang pumayag siyang maging testigo laban sa mga nasasangkot sa pagpaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending