ZTE report dinodoktor

MANILA, Philippines - Dinodoktor umano ang report ng blue ribbon committee ng Senado sa gi­nawa nitong imbestigas­yon sa naudlot na maano­malyang national broadband network project ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China.

Ito ang pasaring kaha­pon ng isang negosyan­teng testigo sa anomalya na si Joey de Venecia III na nagsabing dapat nang ipalabas ng tagapangulo ng komite na si Sen. Richard Gordon ang report.

Ikinababahala ni de Venecia na habang pa­palapit ang halalan, maa­aring magamit ang report bilang sandatang pulitikal at hindi na malalaman ang mga katotohanan sa iskan­dalo sa NBN.

Pinuna ni de Venecia na napakatagal na uma­nong inuupuan ni Gordon ang report kaya napag­su­ sus­petsahang maba­bago ang orihinal na report ng komite na ginawa noong panahon ng dati nitong tagapa­ngulong si Senador Alan Peter Caye­tano.

Sinabi pa ni de Venecia na, ayon sa kanyang im­por­mante, binago ang Ca­yeta­no report para masabit siya sa anomalya at iabsu­welto sina First Gentleman Mike Arroyo at dating Com­mission on Elections Chair­man Benjamin Abalos. (Butch Quejada)


Show comments