BIR executive nasa hold order

MANILA, Philippines - Inilagay na sa Hold Departure Order ng Bureau of Immigration ang isang mataas na opisyal ng   Bureau of Internal Revenue na natanggal sa tung­kulin nang bumagsak sa lifestyle check.

Sa isang pahinang kautusan ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan, pinagbabawa­lang makalabas sa bansa si BIR Deputy Commissioner Danilo Duncano dahil sa mga nakabinbin nitong kaso sa Sandiganbayan.

Ang Hold Departure Order ay batay na rin sa kahilingan ng Sandiganbayan 2nd division dahil hindi pa tapos ang paglilitis sa mga kasong kina­kaharap nito tulad ng falsification of Public Documents dahil sa umano’y pamemeke ng State-ments of Assests and Liabilities. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments