MANILA, Philippines - Haharap lamang sa napagkasunduang pagpa patuloy muli ng peace talks ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army(CPP-NPA) sa pamahalaan kung palalayain ang mga nakaku long nilang lider komunista.
Ito ang inihayag kaha pon ni Jose Maria Sison, nakabase sa Netherlands, founder ng CPP na ipinoste sa website ng komunistang grupo na http//www.philippinerevolution.net.
Sinabi ni Sison na mahirap para sa kanilang grupo na muling humarap sa negotiating panel ng GRP kaugnay ng isinusulong na panunumbalik muli ng peace talks hanggang hindi pinalalaya ng gobyerno ang may 14 pang senior leaders ng kanilang grupo na nakapiit sa samutsaring mga kaso.
“The formal resumption of talks cannot be held in August and probably can never be held in the remaining months of the Arroyo regime, unless they are freed,“ ani Sison sa kanilang website.
Kabilang sa mga lider komunista na hinihirit ni Sison na mapalaya sina Danilo Borjal, Randall Echanis, Vicente Ladlad, Rafael Baylosis at iba pa.
Sinabi ni Sison na ang 14 senior leaders ng CPP-NPA na nakapiit ay pawang mga consultants at kabilang sa 96 opisyal ng kanilang grupo na pinangakuan ng gobyernong mabibigyan ng immunity sa pagkakaaresto na napagkasunduan noong Hulyo sa pagitan ng magkabilang panig.
Magugunita na nasuspinde ang peace talks ng GRP peace panel at ng CPP-NPA noong 2005 matapos na tumanggi ang gobyerno na ipaalis sa United States at 15 member states ng European Union ang terror tag laban sa NPA, ang armed wing ng CPP. (Joy Cantos)