Eastern Samar Gob. kinasuhan ng plunder

MANILA, Philippines - Sinampahan ng isang kongresista ng reklamong pandarambong sa tang­gapan ng Ombudsman si Eastern Samar Governor Ben Evardone.

Bukod sa plunder case, inireklamo din ni Congressman Teodulo Co­quilla at kanyang consultant na si Manuel Chi­cano ang gobernador ng pagla­bag sa anti-graft law, grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the government.

Base sa reklamo, no­ong Hunyo 2006 ay na­ngutang ang pama­halaang panglalawigan ng Eastern Samar ng P173 milyon sa Development Bank of the Philippines para ipambili ng mga kagamitang pang­sakahan.

Pero lumabas umano sa pagsusuri ng Commission on Audit (COA) na ang nabili nitong hand tractors ay overpriced samanta­lang hindi naman nagamit ang mga water at stake trucks dahil sa kakulangan ng airconditioning system.

Ang isa naman uma­nong bulldozer na sinasabi umano nina Evardone na brand new ng mabili ay lumabas na luma na at pininturahan lamang para magmukhang bago, ayon umano sa Customs.

Sinabi pa ni Coquilla na hindi din dumaan sa bidding ang mga purchases na ito ng lokal na pama­haalan ng Eastern Samar. (Butch Quejada/Angie dela Cruz)

Show comments