^

Bansa

Bro. Mike pinayuhan ni Jinggoy

-

MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada ang lider ng El Shaddai na si Brother Mike Velarde na huwag nang makihalo sa halalang pampanguluhan sa su­sunod na taon.

Sinabi ni Estrada na, sa halip na kumandidatong pre­si­dente, dapat tumu­long na lang si Velarde sa ibang mga kakandidatong pangulo ng bansa.

“Karapatan niyang ku­mandidatong presi­dente. Pero, sa sarili kong opin­yon, sana tumulong na lang siya sa mga kandi­datong alam niyang ma­kakapaglingkod sa ating bansa,” sabi ng senador na ang ama na si dating Pa­ngulong Joseph Estrada ay isa sa mga may inten­syong lumaban sa hala­lang pampanguluhan.

Inamin ni Estrada na dapat magkaisa na lamang ang mga nagbabalak tu­makbong presidente sa ticket ng oposisyon upang masigurado ang panalo at hindi makalusot ang kan­didato ng administrasyon.

Idinagdag ni Estrada na maituturing din na banta sa mga kakandidatong pre­sidente si Velarde kapag tumakbo ito sa pag­kapangulo.

Pinayuhan rin kahapon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Commission on Public Affairs at Caloocan Bishop Deogracias Iniguez si Velarde na suriin munang mabuti ang sarili bago tuluyang magdesisyon na sumabak sa presidential elections. (Malou Escu­dero at Mer Layson)

BROTHER MIKE VELARDE

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-COMMISSION

EL SHADDAI

JOSEPH ESTRADA

MALOU ESCU

MER LAYSON

PINAYUHAN

SHY

VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with