^

Bansa

Cory patatayuan ng rebulto sa Rizal Park

-

MANILA, Philippines - Patatayuan na rin ng rebulto si dating Pangulong Corazon Aquino sa Rizal Park.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez, inatasan na ni Pangulong Arroyo ang National Historical Institute para pangasiwaan ang pagpapatayo ng nasabing rebulto kung saan ito ay inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan.

“We have long honored Tita Cory in our hearts, and now we will celebrate in deathless lineaments of concrete and steel the life and passage of a national heroine for the constant reminder of future generations,” dagdag pa ni Golez.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa pamilya Aquino. Ito ay bilang pagkilala sa mga ibini­gay na sakripisyo ni Gng. Aquino para maibalik ang demo­krasya sa bansa.

Ipinalabas ni Pangulong Arroyo ang kautusan sa bisperas ng ika-26 death anniversary ni Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. (Rudy Andal)

AQUINO

AQUINO JR.

AYON

BENIGNO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ANTHONY GOLEZ

NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORAZON AQUINO

RIZAL PARK

RUDY ANDAL

TITA CORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with