^

Bansa

Partylist pinaglalaruan na lang

-

MANILA, Philippines - Pinuna kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na tila pinagla­laruan na lang ngayon ng ilan ang mga partylist na pumapasok sa Kongreso.

Sinabi ng senador na du­marami ang nagpapaki­lalang marginalized group na isa sa mga rekisitos para kilalanin ng Commission on Elections bilang partylist.

“Pinaglalaruan na lang ngayon ang party list. Kung sinu-sino na lang ang na­kakapasok,” sabi ni Pimen­tel, na kinikilalang ama ng Local Government Code.

Napuna ni Pimentel na parami na ng parami ang mga nag-aaplay na partylist sa Comelec bagaman hindi lehitimong marginalized sector ang nakakapasok sa Kongreso.

Ayon kay Pimentel hindi dapat magpaimpluwensiya ang Comelec sa sinumang opisyal ng gobyerno para lamang kilalanin at maka­sama sa eleksiyon ang isang party-list group.

Kaugnay nito, umabot sa halos 300 grupo ang nagpatala sa Comelec para makala­hok sa elek­syon sa 2010 bilang partylist representative sa Kongreso.

Nabatid sa Comelec na, bukod sa mga marginalized sector na tulad ng mahihi­rap at magsasaka at kaba­baihan, sumali na rin ang ilang malalaking negos­yante tulad nina Arnel Ty ng LPG Marketers Association at Manuel Zamora na ku­ma­katawan naman sa gru­pong 1-Adhikain ng Indus­triyang Magma­ma­nok.

Maging ang mga dating party list group na unang na-diniskwalipika ng Comelec sa party list election noong 2007 ay muling nagpatala tulad ng FPJPM at Ang Ladlad.

Maging ang mga grupo ng mga retiradong sundalo na Armed Forces of the Philippines Retired Enlisted Personnel Association at Magdalo Para sa Pagba­bago ay nagpatala rin.

Nakatakda namang ilabas ng Comelec ang listahan ng mga kwalipi­kadong party list group sa Oktubre. (Malou Escudero at Doris Franche)

vuukle comment

ANG LADLAD

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES RETIRED ENLISTED

ARNEL TY

COMELEC

DORIS FRANCHE

KONGRESO

LOCAL GOVERNMENT CODE

MAGDALO PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with