MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Rodolfo Biazon na tama lamang na kinansela ng Malacanang ang pagbili sa presidential jet at, sa halip, gamitin na lamang ang pera sa pagkumpuni ng apat na C-130 aircraft ng Philippine Air Force.
Ayon kay Biazon, isa la mang ang gumaganang C-130 plane sa bansa at nakakaapekto ito sa mabilis sanang galaw ng mga sundalo.
Malaking tulong din anya kung bibili ang gob yerno ng mga night vision devices at communication equipment.
Ayon naman kay Senador Francis Escudero, dapat gamitin na lamang sa pagpapatayo ng mga eskuwelahan ang perang gagamitin sana sa pagbili ng presidential jet. (Malou Escudero)