MANILA, Philippines - Tatalakayin na ng Korte Suprema bukas ang kahilingan ng Philippine Center for Investigative Journalism na buksan sa publiko ang statement of assets and liabilities ng mga mahistrado ng Mataas na Hukuman.
Ayon sa isang impormante sa Korte Suprema, kasama ang nasabing request ng PCIJ sa agenda ng mga tatalakayin ng mga mahistrado sa kanilang regular en banc session bukas. (Gemma Garcia)