Police tracker team uunahan kay Valera?

MANILA, Philippines - Nababahala ang isang police tracker team na inatasang alamin ang kinaroroonan ng puganteng si da­ ting Abra Governor Vicente Isidro Valera dahil tila nakikipag-unahan sila sa oras sapagkat posibleng maunahan sila ng mas mortal na kaaway nito.   

“Gusto namin siyang protektahan laban sa mga taong naghahanap din sa kanya. Wanted siyang tao kaya walang makahahadlang at tuloy tuloy ang aming manhunt operation para sa kanya,” sambit ng isa sa miyembro ng tracker team.    

Nagparamdam na si Valera ng intensyon ng pagsuko subalit wala pang naitatakdang negosasyon hinggil dito.        

Nitong nakaraang linggo lamang, nagpalabas ang Quezon City Regional Trial Court ng isang warrant of arrest laban kay Valera na isinangkot sa pagpatay kay da­ting Abra Rep. Luis “Chito” Bersamin at ang kanyang police escort may tatlong taon na ang nakararaan. (Angie dela Cruz)


Show comments