^

Bansa

18 Pinoy inaresto sa Saudi

-

MANILA, Philippines - Inaresto ng Saudi Police ang 18 miyembro ng Mi­grante International ka­bilang ang chairperson ng Kapatiran sa Gitnang Sila­ngan (KGS) dahil sa uma­no’y illegal na pagtitipon sa isang apartment sa Ri­yadh, Saudi Arabia kaha­pon.

Ayon sa report, sinala­kay ng Riyadh Police ang isang apartment sa Badea district habang nagsasa­gawa ng pagpupulong ang grupo ng Migrante International, ang alyansa ng mga migranteng organisasyon sa buong mundo.

Nahaharap sa kasong “immorality” ang nasa­bing grupo na binubuo ng 10 ka­lalakihan at walong ka­babaihan na pawang mga Filipino nationals kabilang ang isang Eric Jocson, chairperson ng KGS.

Sa batas ng Saudi, ma­higpit na ipinagbabawal ang pagtitipon at pagsa­sama ng magkahalong la­laki at babae sa isang pri­bado at maging sa pam­publikong lugar maliban lamang kung ang mga ito ay mag-asawa o magpa­milya.

Kakasuhan din umano ang isa pang Pinoy na umu­upa ng naturang si­nalakay na apartment unit dahil sa pang-aarbor ng mga “runaways” o mang­gagawang tumatakas.

Napag-alaman ng Sau­di Police na lima sa mga inarestong Pinoy ay wala ring hawak na “iqa­ma”, isang opisyal na iden­tification card para sa Saudi residence permit. (Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

ERIC JOCSON

GITNANG SILA

MIGRANTE INTERNATIONAL

PINOY

RIYADH POLICE

SAUDI ARABIA

SAUDI POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with