^

Bansa

PMA Class 78 ginagamit ng Palasyo sa 'takeover plot'?

-

MANILA, Philippines - Humingi ng saklolo ang kontrobersiyal na Philippine Military Class 78 sa isang opisyal ng Palasyo para madaliin ang umano’y plano na palitan ang kasa­lukuyang military chief na si Gen. Victor Ibrado bago magtapos ang taon.

Tinawag ng PMA Ma­sikap Class 77 na “desperate move” ang palihim umanong pakikipagpulong ng mga miyembro ng Class 78 sa naturang opisyal para suportahan sila sa plano nilang pag­sungkit sa top posts ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.     

Nauna nang iniulat na pansamantalang itinigil ng Class 78 ang tinaguriang “August Moon” dahil sa biglaang pagkamatay ni dating President Corazon Aquino.

Ang August Moon na sinasabi ng military na produkto lamang ng ma­la­lim na imahinasyon ay sinasabing parte ng pag­pupursige para mapana­natili sa posisyon si Pa­ngulong Arroyo lampas sa ‘constitutionally mandated’ na termino nito sa 2010.

Una nang sinabi ni dating Defense secretary Avelino J. Cruz, Jr. na ang Class 78 ay maghahari sa police at military bago matapos ang 2010 polls. (Ricky Tulipat)


ANG AUGUST MOON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUGUST MOON

AVELINO J

PHILIPPINE MILITARY CLASS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT CORAZON AQUINO

RICKY TULIPAT

SHY

VICTOR IBRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with