MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala nina Executive Secretary Eduardo Ermita at Party Executive director Gabriel “Gabby” Claudio na tapat si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa panunumpa nito bilang myembro ng Lakas-Kampi CMD .
Bunsod nito’y, marami umano ang nagtatanong kung tuluyan ng isinara ng partido ang pintuan para sa ilan pang miyembro ng Lakas na gusto din maging standard bearer ng nasabing partido tulad nina Noli “Kaba-yan” de Castro, Manny Villar, Mayor Sonny Belmonte at MMDA chair Bayani Fernando.
Nais umano ng mga kritiko ni Teodoro na makita ang dokumentong ito ay nagbitiw na bilang lider ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) na itinatag ng tiyuhing si Eduardo “Danding” Cojuangco. Maalala na si Teodoro ay pangulo ng NPC bago siya hinirang ni Pangulong Arroyo bilang kalihim ng National Defense.
Bagaman itinuturing ng Lakas si Vice Pres, Noli “Kabayan” de Castro bilang standard bearer ay hindi naman ito nagpaparamdam ng pagpayag. Si Senator Manny Villar naman ang napapabalitang mamanu- kin ni dating pangulong Joseph Estrada.
Samantala, patuloy na umaasa si Fernando na siya ang hihirangin sa huli ng Lakas Kampi CMD bilang ori-hinal at tapat na kasapi ng partido ng administrasyon. (Butch Quejada)