^

Bansa

Honor guard na pulis isinali sa Guinness

-

MANILA, Philippines - Isasali ng Philippine National Police sa Guin­ness Book of World Re­cords ang honor guard na si PO2 Danilo Malab Jr. na kabilang sa apat na presidential cortege sa libing ni dating Pangulong Corazon ‘Cory‘ Aquino.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Leonardo Es­pina, isinumite na nila kahapon sa official website ng Guinness na naka­base sa England ang ipinakitang katatagan at pagiging pro­pesyunal ni Malab sa pag­tupad ng misyon.

Sinabi ni Espina na posibleng manalo sa ibang kategorya si Malab dahil iba naman ang ipinamalas ni Suresh Joachim ng India kung saan ay tumayo ito ng halos walang kati­nag-tinag sa loob ng 21 oras at 30 minuto

Gayunman, hindi na­man matiyak ng PNP spokesman kung nakakain si Joachim habang naka­tayo at kung nasa loob ito ng isang gusali ‘di tulad ng apat na honor guards na mahigit siyam na oras nakatayo sa funeral march ni Cory mula Manila Cathedral sa Intramuros, Manila patungong Manila Memorial Park sa Sucat, Pa­rañaque City sa gitna ng pagbuhos ng ulan at init ng araw habang umaandar ang truck ng walang kain at inom.

Idinagdag pa ng opis­yal na ang ginawa ni PO2 Malab ay hindi biro sa ipinakitang matinding di­siplina at sakripisyo na hindi naman nito napag­handaan di tulad ni Suresh na nakapagsanay muna bago sumabak sa pag­subok.

Sa panig ng AFP, sinabi naman ni AFP- PIO Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. na hindi sa kanilang hanay dapat na magmula kung ilalahok rin sa Guinness ang kanilang magigiting na honor guards na sina  Army Private First Class Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener La­guindam at Navy Petry Officer 3 Edgardo Rodriguez. (Joy Cantos)


AIRMAN SECOND CLASS GENER LA

ARMY PRIVATE FIRST CLASS ANTONIO CADIENTE

BOOK OF WORLD RE

CHIEF LT

DANILO MALAB JR.

EDGARDO RODRIGUEZ

JOY CANTOS

LEONARDO ES

MALAB

MANILA CATHEDRAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with