^

Bansa

7,000 Pinay tinatamaan ng cervical cancer taun-taon

-

MANILA, Philippines - Pumapangalawa na ang cervical cancer sa pangunahing dahilan nang pagkamatay ng mga babae sa Pilipinas at nasa 7,000 ang tinata­maan taun-taon.

Ito ang sinabi ng tang­gapan ni Sen. Pia Caye­tano sa gitna ng kam­panya nito laban sa cervical cancer na nag­mu­mula umano sa tina­tawag na human papillo­mavirus (HPV) na isi­nasalin ng mga lalake sa kababa­ihan sa pama­magitan nang pakikipag­talik.

Tinatayang isang babae ang namamatay kada-dalawang minuto sa buong mundo dahil sa cervical cancer. Umaabot naman sa 500,000 ba­gong biktima ang naita­tala taun-taon 7,000 ay mula sa Pilipinas.

Sa 7,000 Pinay na tina­tamaan ng cervical cancer, 4,000 ang nama­matay taun-taon o 12 ang namamatay araw-araw.

Ang mga kababaihan umanong maituturing na “high risk” o malaki ang posibilidad na tamaan ng cervical cancer ay iyong nakikipagtalik matapos ang kanilang unang mens­truation; maraming se­xual partners; nagka­roon ng sexually transmitted infection; nagka­roon ng lima o higit pa sa limang anak; kasalu­kuyan o dating smoker; at may mahinang immunity o madaling tamaan ng sakit.

Nagbabala si Caye­tano na sa early stage, mahirap malaman kung sino ang may cervical cancer kaya mahalaga ang regular na pagpapa­konsulta sa doctor lalo na ang pagsasailalim sa pap smear.

Kabilang sa mga sin­tomas na nasa advanced stage na ang cervical cancer kung dinurugo ang babae habang nasa intimate relationship (contact bleeding); pagdurugo sa pagitan ng dalawang menstruation cycles; na­sasaktan sa sexual intercourse; may kaka­ibang vaginal discharge; leaking ng urine at dumi mula sa vagina; pag­kawala ng ga­nang ku­main at pagbaba ng tim­bang; fatigue; sumasakit ang pelvic, likod at binti, at bone fractures. (Malou Escudero)

CANCER

CERVICAL

KABILANG

MALOU ESCUDERO

NAGBABALA

PIA CAYE

PILIPINAS

PINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with