Pagbasura sa Charter change titingnan sa House

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Speaker Prospero Nogra­les na ang mga miyembro ng House of Representatives ang magpapasya kung ano ang gagawin nila sa Resolution 1109 na pinagtibay nila para sa pagbubuo ng Constituent Assembly na magsusu­sog sa Konstitusyon.

Ginawa ni Nograles ang pahayag bilang tugon sa panawagan ni Makati Congressmen Teddy Loc­sin na ibasura ang natu­rang resolusyon bilang respeto kay dating Pa­ngulong Corazon Aquino na masugid na tumututol sa pagsususog sa Kons­titusyon noong nabubu­hay pa ito.

Sinabi ni Nograles na ang mga kongresistang lumagda sa resolusyon ang magpapasya sa naturang usapin at hindi ang liderato.

Gayunman, ikinokon­sidera nila ang panawa­gan ni Locsin.

Sinabi ni Nograles na isang multi-party caucus ang isasagawa nila para tingnan ang dapat gawin. (Butch Quejada)

Show comments