Marcoses welcome sa burol ni Aquino

MANILA, Philippines - Tila ito na ang simula ng pagkakasundo ng dalawang prominenteng pamilya matapos na iha­yag ni Senador Benigno “Noynoy” Aquino III na welcome ang pamilya Marcos sa burol ng kani­lang ina na si dating pa­ngulong Corazon Aquino.

Ayon kay Senador Aquino, rerespetuhin nila ang pamilya Marcos kung nais ng mga itong magbi­gay ng huling respeto sa kanyang ina.

Idiniin ni Sen. Aquino na ang lahat naman ng mga nais na dumamay sa kanila ay welcome ngunit dapat lamang itong ga­wing sinsero.

Kamakailan ay ti­nang­gap ng pamilya Aqui­no ang panalangin ng pa­milya Marcos sa pangu­nguna ni dating Unang Gi­nang Imelda Marcos   ha­bang nakara­tay sa ospital si Gng. Aquino at nakiki­pag­laban sa sakit na colon cancer. (Doris Franche)


Show comments