^

Bansa

'Cory alay ng mga Pilipino sa mundo'

-

MANILA, Philippines - Lubos na pinuri ng ne­ gosyanteng si Joey de Ve­necia III si dating Pa­ngu­long Corazon Aquino na pumanaw nitong Saba­do ng madaling-araw.

Ayon kay de Venecia, hindi lamang maituturing na pinakamamahal na Pa­ngulo ng bansa si Aquino kundi mananatili siya sa alaala ng bawat Pilipino hanggang sa mga susu­nod pang henerasyon da­hil na rin sa siya ang na­ging tulay upang bumalik ang demo­k­rasya sa bansa.

“Siya ang alay ng Pili­pinas sa buong Daigdig,” ani de Venecia. “Hindi la­mang siya simpleng biyuda ni dating Senador Benigno Aquino Jr. kundi siya ang naging inspiras­yon ng Edsa Revolution noong 1986 na naghatid sa Pilipinas sa kalayaan at demokrasya.” 

Si Aquino ang naging ins­ pi­rasyon niya sa pagsi­siwalat ng mga katiwalian sa pamahalaan tulad ng maanomalyang NBN-ZTE Corp. ng China.

Personal na kaibigan ng kanilang pamilya, lalo na ng kanyang amang si dating House Speaker Jose de Venecia ang da­ting Pa­ngulo. (Butch Quejada)

AQUINO

AYON

BUTCH QUEJADA

CORAZON AQUINO

EDSA REVOLUTION

HOUSE SPEAKER JOSE

SENADOR BENIGNO AQUINO JR.

SHY

SI AQUINO

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with