Chinese tourists na malimit sa bansa papayagan ng BI na walang visa

MANILA, Philippines - May espesyal na pribi­ lehiyo ang Chinese nationals na madalas bumisita sa bansa.

Ito’y base sa nilalaman ng memorandum circular na ipinalabas ni Immigration Commissioner Marce­lino Libanan na nagpapa­hin­tulot sa Chinese nationals na makapasok at mana­tili sa Pilipinas sa loob ng pitong araw kahit walang visa.

Ang “visa free entry privileges” ay ipagkakaloob sa Chinese nationals na mayroong balidong visa na inisyu ng US, Japan, Australia, Canada, at ng European Union.

Ayon kay Libanan, alinsunod ang hakbang sa kautusan ni Pangulong Arroyo, bago ito umalis para sa kaniyang pagbisita sa Estados Unidos.

Layon ng programa na mahikayat sila na tangkilin ang turismo sa bansa at posibilidad na mag-invest dito.

Karamihan ng Chinese nationals na nag­ bibiyahe patungong US, Japan at iba pang ma­uunlad na bansa ay mga negosyante at entrepreneurs na puwe­deng ma­muhunan at ma­ka­tulong sa pag-unlad ng Pilipinas. (Ludy Bermudo)

Show comments