MANILA, Philippines - Dumipensa kahapon si Senator Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno at nagsabing hindi si Pangulong Arroyo ang isyu para sa darating na 2010 election.
“GMA is not running in 2010, and it would be unfair to the people if presidential candidates should still use her as an issue,” sabi ni Escudero sa blog ni Ladlad founder at Ateneo professor Danton Remato.
Sinabi pa ni Chiz, “Any candidate who runs on an anti-GMA platform is insulting the intelligence of the people. The people will vote for a presidential candidate because of what he or she intends to do if victorious, not because he or she is against GMA,”.
Bunsod nito ay lalong umigting ang usap-usapan na si Senator Chiz Escudero ang sinasabing “trojan horse” na kamakailan ay kumausap kay GMA upang humingi ng suporta sa 2010.
Ibinunyag kamakailan ni Presidential Son at Congressman Mikey Arroyo na may nakipag-usap na batang presidentiable mula sa hanay ng oposisyon upang hingin ang tulong at basbas ng kanyang ina.
Kinumpirma din ito ni Executive Secretary Eduardo Ermita at dating pangulo ng CBCP at Lingayen-Dagupan Oscar Cruz.
Ang paglutang ng pangalan ni Escudero bilang “trojan horse” ang nagbunsod kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na dapat pangalanan ni Congressman Arroyo kung sino-sino itong mga “Trojan horses” upang sila ay maparusahan.
Ayon naman sa Filipino Voices blog na may artikulong pinamagatang “On the road to 2010: This is why Chiz Escudero Should’nt Be the Next President, sadyang “baliktarin” umano si Escudero depende kung sino ang kausap.
Isiniwalat ng isang blogger na ng magsalita si Escudero sa isang youth IT Congress sa University of the Philippines, nagpaalam pa raw ito kung pwede niyang upakan si GMA. (Butch Quejada)