10 araw na pagluluksa
MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pakikiramay para kay Cory ang ilang kilalang personalidad sa bansa, sa pangunguna ni Pangulong Gloria Arroyo at ng dalawang mga dating pangulo rin ng bansa na sina Fidel Ramos at Joseph Estrada.
Kaagad namang nagdeklara ng 10-day of national mourning si Pangulong Arroyo na nasa Estados Unidos, nang matanggap nito ang malungkot na balita nang pagpanaw ni Gng. Aquino.
“Today, the Philippines lost a national treasure. Cory Aquino helped lead the revolution that restored democracy and rule of law to our nation at a time of great peril,” ayon pa sa mensahe ng Pangulong Arroyo.
“I am announcing today that we will officially observe a 10-day period of national mourning. Our hearts go out to the family in this hour of grief and sorrow. The nation prays for Cory and her family,” pahayag pa ng punong ehekutibo.
“Today is a sad day in the history of our country for today our nation lost a mother,” pahayag naman ni Estrada.
Tinawag din ni Estrada na “woman of both strength and graciousness,” si dating Pangulong Aquino.
“Not only the Fililpino people grieve but the entire world. Cory Aquino represented the best of the Filipino during the past and also now and the future and she lead the directions towards the better tomorrow for all of us, kami po ang pamilya Ramos ay nakikiramay sa pamilya Aquino at sa kanyang mahal sa buhay” sabi naman ni Ramos.
Ipinaabot din ni Bro. Eddie C. Villanueva, pangulo ng Bagong Pilipinas Bagong Pilipino Movement ang taos pusong Pakikiramay ng buong JIL Worldwide Family sa pamilya ng yumaong Pangulong Cory Aquino.
Bagamat masakit ang pagpanaw ng isang tunay na lider ng bansa na naging ina ng Inang Bayan sa pa nahon ng madilim na kasaysayan ng Mahal nating Bayan may galak naman tayo sa kaalamang nasa piling na ng Diyos si Pangulong Cory at ng kanyang mahal na kabiyak na si Senador Ninoy Aquino.
- Latest
- Trending