^

Bansa

Paalam Tita Cory

- Nina Butch Quejada, Malou Escudero, Rose Tesoro, Doris Franche, Angie Dela Cruz, Mer Layson at Joy C -

MANILA, Philippines - Isang malalim na bun­tong-hininga umano ang narinig sa dating Pangulo nang ito ay bawian ng bu­hay habang hawak ang isang rosary.

“Bago siya pumanaw nandun ang kanyang mga anak. To be very exact, they were praying the Sorrowful Mystery, yung pang limang misteryo doon huminga ng kan­yang hu­ling hininga,” pahayag sa media ng TV host na si Boy Abunda na nasaksihan rin ang pag­panaw ng dating Pa­ngulo.

Tahimik namang nag-iyakan at nagpatuloy nang panalangin ang pamilya.

‘Our mother, peacefully passed away at 3:18 am August 1, 2009 of cardio respiratory arrest. She would have wanted us to thank each and everyone of you for all the prayers and your continued love and support. It was her wish for all of us to pray for one another and our country,” naka­saad sa pahayag ng pamilya-Aquino na bina­sa sa media ni Sen. Be­nigno “Noynoy” Aquino III.

Si Gng. Aquino ay na-diagnose na may colon cancer noong March 2008. Naratay ito sa Ma­kati Me­dical Center ng mahigit isang buwan bago ang ka­niyang pag­panaw kaha­pon.

Una ng tinaningan ng kaniyang mga doktor si Gng. Aquino ng tatlong buwan simula ng ma-diagnose ito sa naturang ka­ramdaman, subalit umabot pa ng mahigit 17-buwan ang itinagal ng buhay nito na itinuturing naman ng pamilya Aquino at mga supporters nito na isang milagro.

Magugunita na si Gng. Aquino ay nailuk­lok bilang kauna-una­hang babaeng Presi­dente ng bansa ma­tapos ang ma­payapang “People Po­wer” revolt noong 1986.

Bagama’t dumanas ng 7 coup attempts sa kani­yang panunungkulan ay nanatili itong matatag at natapos niya ang kaniyang anim na taon na pamu­muno sa bansa noong 1992.

Si Gng. Aquino o Ma­ria Corazon Cojuangco-Aqui­no sa totoong buhay ay ipinanganak noong Jan. 25, 1933, sa maya­mang angkan Paniqui, Tarlac.

Nagtapos ito ng French degree sa College of Mount St. Vincent sa New York at noong 1954 ay ikinasal sila ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na nagmula rin sa mga angkan ng pu­litiko. Lima ang kanilang naging anak na sina Ballsy, Pinky, Noynoy, Viel at Kris.

Public viewing

Pasado alas-5 ng ma­daling-araw nang ilabas sa Makati Medical Center ang mga labi ng dating Pangulo at dalhin ito sa Heritage Park sa Taguig City.

Mula sa Heritage Park ay tuluyang ibinurol kaha­pon ang mga labi sa La Salle Greenhills gymnasium kung saan pinaya­gan ang publiko na ma­kita si Cory sa huling sandali.

Araw-araw na isasa­gawa ang public viewing simula alas-5 ng hapon hanggang alas-4 ng ma­daling-araw at muling bubuksan sa publiko alas-7 ng umaga hanggang bukas (Lunes).

Isasagawa ang huling lamay at necrological service sa Martes sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.

Nakatakdang ilibing ang dating Pangulo sa Miyerkules sa Manila Memorial Park sa tabi ng libingan ng kanyang asa­wang si Ninoy matapos misa sa alas-9 ng umaga.

Walang state funeral

Nagdesisyon din ang pamilya Aquino na sa halip na isang state funeral, isang pribadong libing lamang ang idaraos ng pamilya.

“It won’t be a state funeral,” sabi ni Noynoy.

Kalimitang binibigyan ng state funeral ang isang namayapang presidente ng bansa.

Pero sinabi ni Noynoy na sa simula pa lamang ay in­tensiyon na nilang idaos ang isang private funeral para sa ka­nilang ina dahil isa na­man itong pri­­ba­dong ma­ma­mayan si­mula nang bu­ma­ba sa pu­westo.

“For all intentions and purpo­ses, she had been a private citizen after stepping down,” ani Noynoy.


AQUINO

AQUINO JR.

BOY ABUNDA

COLLEGE OF MOUNT ST. VINCENT

HERITAGE PARK

ISANG

NOYNOY

PANGULO

SHY

SI GNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with