^

Bansa

EO sa murang gamot pirmado na ni GMA

-

MANILA, Philippines - Nilagdaan na kaha­pon ni Pangulong Arroyo ang Executive Order (EO) upang ibaba ng 50 por­syento ang presyo ng mga gamot na nakapa­loob sa Maximum Drug Retail Price (MDRP) ma­tapos mabi­gong bolun­taryong ibaba ng mga drug companies ang presyo ng kanilang mga gamot.

Pinirmahan ni Pangu­long Arroyo ang EO 821 kung saan ay obligadong ibaba ng 50 percent ang presyo ng mga gamot na nasa MDRP list tulad ng gamot sa anti-hypertensive, anti-cholesterol, anti-bacterial, anti-neoplastic/anti-cancer. 

Sa ilalim ng nilag­daang EO, magiging epek­tibo ang kautusang ito sa Agosto 15 kaugnay sa pagpapatupad ng Cheaper Medicine Law.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang mga naturang gamot na “compulsory” na baba­baan ng presyo ay pang­lunas sa cancer na Doxorubicin at Cyta­rabine; Am­lodipine na anti-high blood; Azithro­mycin na para sa impek­syon at anti-high cholesterol na Atorvastatin. Ang naturang limang gamot ay kabilang sa 21 essential medicines na inireko­menda ng pamahalaan na baba­baan ng presyo.

Gayunman,16 la­mang sa mga ito ang bolun­taryong ibinaba ng mga drug firms ang presyo, ha­bang ang naturang limang brand ng medisina ay ini­rekomenda umano ng mga ito na kakaltasan lamang nila ng mula 30-35 por­syento.

Dahil dito kaya nilag­daan ni Pangulong Arroyo ang naturang EO upang isailalim sa compulsory cut price ang presyo ng mga naturang gamot na hindi isinama sa pagbaba ng presyo.

Sinabi ni Dr. Roberto So, pinuno ng DOH-natio­nal drug program na pag­pasok ng Setyembre 16, lahat ng botika na hindi susunod sa 50% price cut sa 21 essential medicines ay kanilang kakasuhan. 

Nilinaw naman ni So na kahit pa mayroong price slash, epektibo pa rin ang 20% discount ng mga senior citizen sa bansa. (Rudy Andal/Doris Franche)

ANTI

CHEAPER MEDICINE LAW

DORIS FRANCHE

DR. ROBERTO SO

DRUG RETAIL PRICE

EXECUTIVE ORDER

PANGULONG ARROYO

PRESYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with