Dumlao, Mancao sa korte na magkikita
MANILA, Philippines - Hindi pa naghaharap sina dating Police Supt. Glenn Dumlao at dating Police Supt. Cesar Mancao, at posibleng sa korte na lamang sila magkita.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Nestor Mantaring, nang dumating noong Lingo ng umaga si Dumlao ay nasa safehouse na ng Department of Justice-Witness Protection Program si Mancao, na nailipat umano noong Sabado.
Aniya, maaring magka sabay na dumalo sa pagdinig ng Manila Regional Trial Court sina Dumlao at Mancao sa Dacer-Corbito double murder case.
Si Mancao ay isa nang state witness habang si Dumlao ay nakatakda namang basahan ng arraignment sa nasabing kaso at posible ring maging testigo ng pamahalaan, na kasalukuyang nasa ebalwasyon pa kung maaring makapasok sa WPP.
Maayos umano ang kondisyon ni Dumlao sa NBI at ang pagtanggap nito ng bisita ay depende sa sarili nitong listahan sa nais niyang papasukin. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending